Hiniling ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang tulong ng mga lider ng Filipino community para kumbinsihin ang mahigit 30,000 undocumented Pinoy na mag-avail ng amnesty program ng United Arab Emirates (UAE).

Tinalakay ni Chargé d’ Affaires Rowena Pangilinan-Daquipil ang sakop ng tatlong buwang amnesty package ng UAE sa mga lider ng iba’t ibang Filipino community organizations sa pamumuno ni Engineer Elmer Casao, chair ng Bayanihan Council, sa pagpupulong na idinaos sa Embassy sa Abu Dhabi nitong nakaraang linggo.

Ang undocumented OFWs, ayon sa Embassy, ay kwalipikadong mag-avail ng programa na sumasakop sa mga nag-overstay o tumakas sa kanilang employers.

Nagsimula ang amnesty program ng Emirate nitong Agosto 1 at magtatapos sa Oktubre 31.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

-Roy C. Mabasa