Nagpalabas ng advisory ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner Information Group, sa pangunguna ni Lanee Cui David, kaugnay ng kumakalat sa social media para sa mas mabilis at non-appearance na pagkuha ng BIR taxpayer identification number card, o BIR TIN Card ID.

Ayon kay David, ang posting sa Facebook tungkol sa nasabing serbisyo para sa BIR TIN ID card assistance ay “illegal” at hindi awtorisado ng BIR.

Aniya, hindi ibinebenta ang TIN ID, at tanging mga tauhan lang ng BIR ang nag-iisyu nito, at ang transaksiyon para rito ay sa opisina lang ng kawanihan maaaring gawin, at hindi sa social media o sa Facebook.

Ang mahuhuling sangkot dito ay maaaring patawan ng parusa at makukulong alinsunod sa batas, ayon kay David.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Matatandaang isang ginang ang inaresto kamakailan sa Barangay Suklayin sa Baler, Aurora dahil sa nasabing ilegal na aktibidad, at nakasuhan na.

Panawagan ng BIR, sakaling may na-monitor na ganitong iregularidad ay maaari itong ipagbigay-alam sa opisina ng BIR, o mag-email sa [email protected] upang maaksiyunan ang reklamo.

-Light A. Nolasco