Patuloy pa ring nagtutulungan ang tracker team ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang maaresto ang apat na dating kongresista na nahaharap sa double murder case.

Ito ang inamin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kasunod ng natanggap nila ng

progress reports sa kinahihinatnan ng pagtugis ng mga ito kina

National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, at dating Bayan Muna Party-list Reps. Satur Ocampo at Teddy Casiño.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We have deployed our trackers team, led by the CIDG (Crime Investigation and Detection Group), and the NBI also has its own. Together, we are conducting manhunt operations,” paliwanag ni Albayalde, at nakiusap na huwag munang banggitin sa publiko ang iba pang impormasyon upang hindi mabulilyaso ang kanilang operasyon.

“Part of our manhunt operation is to determine whether there are persons coddling them. It is important to note that it is a violation of the law if you are helping a crime suspect [to escape] so stop,” dagdag pa nito.

Ang sinumang mapapatunayang nagkakanlong ng crime suspect ay parurusahan ng paglabag sa Presidential Decree No. 1829 o obstruction of justice.

Muling nanawagan si Albayalde sa apat na dating mambabatas na sumuko na lang at harapin ang kanilang kaso.

Matatandaang naglaan ng P1 milyon pabuya ang Citizen’s Crime Watch (CCW) sa ikaaaresto ng mga ito.

-Martin A. Sadongdong