Inaasahang magpapatupad ng kakarampot na oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng hanggang 30 sentimos ang kada litro ng kerosene, 25 sentimos sa gasoline, at 20 sentimos naman sa diesel.
Ang napipintong oil price adjustment ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Hulyo 31 nang magtaas ang mga kumpanya ng langis ng P1.15 sa gasolina, 95 sentimos sa diesel, at 85 sentimos sa kerosene bunga ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Pero hindi pa man naipatutupad ang kakarampot na bawas-presyo sa petrolyo ay sinalubong na ito ng protesta ng mga motorista.
Aniya, hindi nila maramdaman ang epekto ng rollback kumpara sa napakalaking oil price hike na mas madalas anilang ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis, at lalong nagpapasirit sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
-Bella Gamotea