Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lune sang Philippine Identification System Act (PhilSys) na magpapabuti sa pagkakaloob ng serbisyo ng gobyerno sa mamamayan, upang maiwasan na rin ang mga maaanomalyang transaksiyon.

Lalagdaan ni Duterte ang panukala, na niratipikahan ng Kongreso noong Mayo ng taong ito.

Batay sa media advisory na ipinalabas ng media relations office ng Malacañang, ang paglagda sa PhilSys ay gagawin sa Malacañang dakong 3:30 ng hapon, bago ang ceremonial signing o pagpiprisinta ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Una nang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na lalagdaan ng Presidente ang PhilSys dahil na rin sa matinding suporta ng mamamayan sa national ID system.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“This landmark bill is part of the legislative priority agenda of the Duterte administration to improve the delivery of government services; thus, once ratified, the President will sign this into law,” sinabi noon ni Roque.

“There was an overwhelming consensus for the need for the national ID system... And there’s already a budget allotted in the 2018 national budget for the national ID,” dagdag pa niya.

Sa kanyang pagbisita sa Kingdom of Saudi Arabia noong 2017, kinilala ng Pangulo ang kagustuhan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na magkaroon ng national identification system ang Pilipinas, tulad sa Saudi Arabia.

Pagsasama-samahin ng panukalang Filipino Identification System ang bisa ng lahat ng ID na iniisyu ng pamahalaan, para sa mas mabilis at epektibong serbisyo, at malimitahan na rin ang red tape sa mga transaksiyon sa pamahalaan.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS