INALIS ng Alaska management ang ipinataw na indefinite suspenaion sa kanilang star forward na si Calvin Abueva.
Matatandaang sinuspinde ng pamunuan ng Aces ang 6-foot-2 forward noong Hunyo 9, halos kasisimula pa lamang ng 2018 PBA C o m m i s s i o n e r ’ s Cup sa pagliban nito sa team practices pagkaraan ng PBA All-Star Week.
Mahigit isang linggo na hindi sumipot si Abueva sa Aces practices at maging sa laban nila kontra GlobalPort noong Hunyo 2.
Bago ang AWOL, nagtala ang 6-year pro ng average na 10.4 puntos, 9.4 rebounds, 2.8 assists, 2.2 steals at 1.2 blocks.
Sa isang larawan na ipinost ng Aces sa kanilang social media, ipinakita na full force ang koponan bilang pahiwatig ng pagbabalik ng kanilang franchise player.
Kahit wala si Abueva, impresibo ang ipinakita ng Aces sa mid-season conferences kung saan umabot pa sila ng semis makaraang tumapos na second seed sa eliminations.
I n a a s a h a n namang babawi ng husto si Abueva na napatawan din ng FIBA ng 6-game ban sanhi ng pagkakasangkot sa rambulang nangyari sa laban nila ng Australia sa nakaraang third window ng FIBA World Cup qualifier sa darating na PBA Governors Cup para sa Alaska
-MARIVIC AWI TAN