ORIGINAL Kapuso star si Wendell Ramos bago siya lumipat ng kabilang network, pero after seven years, bumalik siya ‘where he belongs’ sabi nga. Una naming napanood si Wendell sa isang episode ng Magpakailanman nang bumalik siya sa Kapuso network at hindi pa rin nawawala ang husay niya.

Thankful si Wendell na sa paglipat niya ay binigyan siya agad ng bagong teleserye, ang heart-warming primetime series na Onanay.

“Maganda po ang role ko rito bilang si Lucas, a rich and careless man who used to be an alcohol and drug addict, pero later on I will play an important role sa buhay ni Onay, played by new actress Jo Berry,” kuwento ni Wendell.

“Masaya po ako na hindi ako nag-burn ng bridges nang lumipat ako sa kabilang network, at masaya sa pakiramdam na parang walang nabago sa pakikitungo nila sa akin tulad din noong narito ako seven years ago. Nakakatuwa pa at honored ako dahil I will work with the Superstar Nora Aunor at si Ms. Cherie Gil na kilalang-kilalang mahusay na actress-kontrabida.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dati ay nasa longest running-gag show na Bubble Gang si Wendell, gugustuhin ba niyang bumalik doon?

“Hindi ko po nakakalimutan ang Bubble Gang kahit noon pa, nami-miss ko ito. Naiintindihan ko naman kung may mga bago nang kasama sa show, inirerespeto ko po iyon. But I’m happy I’m back at muling makakatrabaho ang mga artista rito, lalo na iyong mga bago ko pa lamang makakasama ngayon,” sabi ni Wendell.

Mapapanood na ang bagong primetime series ng GMA 7 na Onanay, directed by Ms. Gina Alajar sa Lunes, August 6, pagkatapos ng Victor Magtanggol.

-Nora V. Calderon