BATA man o matanda, talagang tinutukan ng marami ang pagsisimula ng adventures ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, ang pinakabagong serye sa GMA Telebabad.

Alden copy

Hindi naman sila binigo ni Alden, dahil talagang worth the wait ang unang limang episodes ng telefantasya ngayong linggo.

Pero bago siya maging ganap na superhero, o mag-transform bilang si Hammerman, ginagampanan ni Alden ang role ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa serye. Nagtungo siya sa Canada para magtrabaho roon at para na rin hanapin ang inang si Vivienne (Coney Reyes).

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Sinabi ni Alden na iniaalay niya sa lahat ng OFW sa lahat ng sulok ng mundo ang Victor Magtanggol.

“Ramdam ko ‘yung pangungulila sa mga mahal sa buhay. Pero ‘yun ‘yung isang ugali ng mga Pilipino talaga na proud ako. Masasabi kong Pilipino ako. Handa tayong magsakripisyo talaga. Handa tayong magsakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ‘yung mga mahal natin sa buhay dito,” pahayag ni Alden.

Samantala, napapanood na rin ng Kapuso viewers ang karakter ni Janine Gutierrez sa serye bilang si Gwen. Saludo naman si Janine kay Alden bilang aktor.

“Ang galing ni Alden! Mahusay talaga siya dito. Talagang bumagay sa kanya ‘yung role na Victor Magtanggol kasi hindi lang siya basta ‘yung typical na superhero na very macho, very action lahat. Si Victor talagang may puso at saka funny. Funny siya,” ani Janine.

Patuloy na subaybayan ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad.

-MERCY LEJARDE