Pinaalalahanan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang mas matinding trapiko na idudulot ng road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Ayon sa abiso ng MMDA, ganap na 11:00 ng gabi nitong Biyernes ay sinimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa southbound EDSA, sa harapan ng Francesca Tower, hanggang at pagkatapos ng Scout Borromeo (third lane mula sa center island), at Katipunan Avenue sa pagitan ng Capitol Hills Drive, Ayala Heights Village (first lane), para naman sa Manila Water restoration works.

Bukod pa rito ang pagsasaayos sa northbound EDSA Vertis North hanggang Trinoma Mall (second lane mula sa bangketa); A.H. Lacson Avenue, panulukan ng Aragon at P. Florentino Streets; Congressional Avenue, bago ang panulukan ng Jupiter Street (first lane); Fairview Avenue, mula sa Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision; Jordan Plains hanggang Mindanao Avenue Extension (third lane) at Batasan Road, Commonwealth Avenue, hanggang Katipunan Street (first lane).

Ganap na 5:00 ng umaga sa Lunes bubuksan sa motorista ang mga apektadong kalsada.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

-Bella Gamotea