CALIFORNIA (AP) –Itinuturing ‘greatest swimmer’ si America Michael Phelps.
Kaya’t nararapat lamang na isang ‘Superman’ ang makabura – kahit bahagya- sa marka ng Olympic champion.
Hindi galing sa planetang Krypton tulad sa pelikulang pinasikat ng D.C Universe, bagkus isang 10-anyos na Filipino-American ang ‘Superman’ na bumura sa matandang record ni Phelps.
Naitala ni Clark Kent Apuada ang 1:09;30 sa 100-meter butterfly – halos isang segundo na mas mabilis sa record ni Phelp (1:10.48) noong 1995 na naitala sa Far West International Championship sa California.
Matapos magawa ni Phelps ang naturang marka, kinilala siyang pinakamahusay na swimmer sa mundo tangan ang 28 Olympic medals.
“I love swimming because I have a lot of people supporting me and my coaches are always there for me and my parents are always there,” pahayag ni Apuada sa panayam ng CNN.
Napagwagihan ni Apuada, mula sa Carmel-by-the-Sea, California,ang pitong events na nilahukan nitong Linggo kabilang ang 50 at 100-meter freestyles, 50 at 100-meter backstrokes, 50-meter fly at 200-meter individual medley.
“The kid is unlike any other young man that I’ve ever coached,” sambit ni Dia Riana, coach ni Apuada.
“He’s always stood out. He’s just, he’s kind of a savant of sorts.”
Pareho ang edad ni Apuada nang magawa ni Phelps ang record sa naturan ding torneo kung kaya’t marami ang may hinuha na isang ganap na swimming star ang Fikl-An sa hinaharap.