SAPAT ang talento ng Pinay volley players, ngunit hindi pa sapat ang karanasan at kahandaan para sumabak sa Asian Games.

Ito ang mariing ipinahayag ni Banko Perlas coach Ariel Dela Cruz hingil sa naging desisyon ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc,. (LVPI) na magpadala ng koponan sa Asiad na nakatakda sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Jakarta, Indonesia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Talent-wise, sobra-sobra ang mga players natin. Pero sa experience kulang pa tayo. We need a long-term program. Hindi puwedeng magbubuo tayo ng team sa maiksing panahon tapos ilalaban natin sa Asian Games.

“The Olympic champion is in the Asia. Nandyana ng Japan at South Korea na matatatagl nang naglalaro at magkakasama. Tayo, kailan lang, mahirap para sa mga players,” ayon kay Dela Cruz.

Binuo ng LVPI ang volleyball team nito lamang Hunyo at sa kabila ng kabiguan na makapasa sa ‘criteria’ para sa delegasyon ng team Philippines ay pinayagan ni Philippine Olympic committee (POC) president Ricky Vargas na lumahok.

‘Hindi ko alam kung ano ang kanilang diskarte dyan. But para sa akin, we need a long term program. Mahabang prepatasyon. Hopefully, maging maganda ang kampanya natin sa Asian Games,” aniya.

-Edwin Rollon