NADISKUBRE ng mga iskolar mula sa University of California, San Francisco (UC San Francisco) na mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng oral cancer ang mga gumagamit ng e-cigarettes at tobacco products, ayon sa isang American non-profit group na nagsusulong ng oral health.

tobacco

Ayon sa International Association for Dental Research (IADR). pinag-aralan ng mga UC San Francisco researchers na sina Benjamin Chaffee at Neal Benowitz, co-author ng pananaliksik tungkol sa nicotine at carcinogen exposure mula sa pagkonsumo ng tobacco product, ang panganib na dala ng pagkakalantad ng tao sa carcinogen, gamit ang pagkonsumo ng iba’t ibang tobacco products, maging ito ay isa lamang o kombinasyon.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga kemikal na mayroon ang tobacco, gaya ng collectednitrosamines (TSNAs), N’-nitrosonornicotine (NNN), 4-(methynitrosamino)-1-(3)-pyridyle-1-butanol (NNAL), at metabolite of lung carcinogen (NNK), ay nakapagdudulot ng mas mataas na nicotine at TSNA concentrations kumpara sa mga hindi naninigarilyo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ipinakita rin dito na nalalantad ang mga non-cigarette tobacco users sa carcinogen levels na mapanganib para sa kanila, gaya ng panganib na kinahaharap ng mga naninigarilyo ng tabako.

PNA