NAKALIKHA ang mga mananaliksik mula sa National Research Nuclear University MEPhI kamakailan ng bagong uri ng contrast agents para sa magnetic resonance imaging (MRI) batay sa biodegradable silicon nano particles na maaaring magamit para sa pag-diagnose at pagpuksa sa sakit na cancer. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay inilathala sa Journal of Applied Physics.

Ang MRI ay malakas na biomedical diagnostics tool na base sa nuclear magnetic resonance ng hydrogen atoms (protons). Gumagamit ang MRI scanners ng radio waves para bumuo ng mga imahe ng hydrogen atoms sa ginawang magnetic field.

Ang mga ganitong uri ng paraan ay kinakailangang gumamit ng contrast agents para mas lalong maging tama ang resulta at impormasyong maibibigay ng imahe.

Ang kombinasyon ng MRI at contrast agents sa ginawang pag-aaral ay nakatulong sa mga siyentista na malaman ang posibilidad ng imaging inflammations, gaya ng tumorous angiogenesis sa cancer.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naniniwala si Viktor Timoshenko, propesor sa MEPhI at Lomonosov Moscow State University, na ang bagong development ay isang halimbawa ng paggamit ng nanotheranostics – isang kombinasyon ng diagnostic at therapeutic methods na inia-apply sa nanoscale level.

“Since MRI is widely used in cancer diagnostics, developing a new type of a contrast agent, that can also be used in cancer eradication therapy, is very important for modern healthcare,” lahad ni Timoshenko.

PNA