Nai-imagine n’yo ba na magiging malapit na magkaibigan sina Pangulong Duterte at North Korean leader Kim Jong Un?

Nagbiro kamakailan ang Pangulo tungkol sa posibilidad na magpasaklolo siya sa North Korea sakaling kailanganin ng Pilipinas ng mga armas laban sa mga terorista.

Sa harap ng nangagtipong top security officials, nagbiro si Duterte na malaki ang posibilidad na magkasundo sila ni Kim dahil pareho umano silang may “sira” sa ulo.

“Where do I get the rockets? Where do I get the thing there? China. Walang iba, unless I go to a state visit sa North Korea. Kaibiganin ko na lang ‘yun (Kim),” ani Duterte. “Baka pareho ‘yung ulo namin sira, eh ‘di magkaintindihan kami.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi rin ng Presidente na may pagkakapareho sila ni Kim pagdating sa pagtrato sa mga itinuturing nilang kaaway.

“What do you do with your enemies like your father, your brother, father-in-law? I fed him to the dogs. We… I will feed him to my fishpond in Manila Bay, the fish there are regenerating, much stouter,” sabi ni Duterte habang nag-i-imagine na kaharap at kinakausap niya ang pinuno ng North Korea.

Abril ngayong taon nang purihin ni Duterte si Kim makaraang mangako ang huli na isusulong ang pagkikipagkasundo sa South Korea para sa pangmatagalang kapayapaan, at tatalikuran na ang mga nukleyar na armas.

Sinabi noon ni Duterte na si Kim ay maituturing nang “hero of everybody”, at personal na itinuturing na niyang “idol” niya.

-Genalyn D. Kabiling