Ipinagmalaki kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang paghusay ng serbisyo ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang 29 na sunud-sunod na araw na walang aberya sa kanilang serbisyo.
Sa Twitter account at Facebook page, masayang inianunsyo ng DOTr-MRT3, na simula Hulyo 4 hanggang Agosto 1, 2018, ay walang naitala na anumang aberya ang kanilang mga tren, patunay na patuloy nang humuhusay ang kanilang serbisyo.
“GOOD NEWS: MRT-3 breaks longest no-unloading streak anew; no passenger unloading for 29 consecutive days,” abiso nito.
“DOTr MRT-3 sets another record by achieving a 29-day streak of no reported passenger unloading incident in its operations, from July 4 to August 1, 2018,” dagdag pa nito.
Ayon sa DOTr, nalampasan nito ang dating rekord na ‘28 consecutive days without unloading incident’ na naitala noong Abril 24 hanggang Mayo 21, 2018.
-Mary Ann Santiago