Ni Edwin Rollon

HANDA para sa susunod na conference ang Banko Perlas Spikers. Ngunit, bago sumalang sa pinabagong hamon sa kanilang career, magsasagawa muna ng community services ang Perlas Spikers para sa mga tagahanga at mga kabataan sa mga komunidad.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

IBINIDA nina coach Ariel De La Cruz at BPI Direct Banko Inc. (Banko) president Jerome Minglana ang runner-up trophy na napagwagihan ng BanKo Perlas Spikers sa 2018 PVL Reinforced Conference sa ginanap na ‘Fans Day’ ng koponan kahapon sa Kuya J sa Cubao, QC.

IBINIDA nina coach Ariel De La Cruz at BPI Direct Banko Inc. (Banko) president Jerome Minglana ang runner-up trophy na napagwagihan ng BanKo Perlas Spikers sa 2018 PVL Reinforced Conference sa ginanap na ‘Fans Day’ ng koponan kahapon sa Kuya J sa Cubao, QC.

Ipinahayag ni BPI Direct Banko Inc. president Jerome Minglana na malaki ang naitulong ng Perlas Spikers sa hangarin ng kompanya na mapaglingkuran ang maliiit na negosyante o yaong kabilang sa SEMEs community kung kaya’t marapat lamang na maglaan ng panahon para mabigyan ng kasiyahan ang mga tagasuprta at mga kabataang tagahanga ng Bangko Perlas.

“Banko chose to partner with Perlas Spikers because we share a similar goals ti support and accelerate the grassroots program – to engage them and help them grow to the next level,” pahayag ni Minglana.

Ayon kay Minglana, magsasagawa ng nationwide series of volleyball clinics ang Perlas Spikers para sa mga kabataan at anak nang mga self-employed micro-entrepreneurs (SEMEs) na magsisimula sa Agosto 18 sa Cubao, Quezon City.

Nakatakda ring magtungo ang Bangko Perlas sa Iloilo, Bacolod, Butuan, Surigao, Agusan, Laoag at Vigas.

Para masundana ng programa ng Banko Perlas Spikers, sundan ang koponan sa @perlasspikers sa Twitter at Instagram.

Ikinalugod naman ni coach Ariel Dela Cruz ang suporta ng fans sa Perlas at nangako nang mas mataas na pagtatapos sa pagbubukas ng All-Filipino Conference ng Premier Volleyball League (PVL).

“The team had a really good run int his year’s PVL. We took the conference one step at a time, and being in the semi-finals proved out determination. Throughout our journey, our fans have consistently supported us,” pahayag ni Dela Cruz.

“We want to let our supporters know that it will not be possible to get to where we are now without them rallying behind us. Now that the PVL has ended, we want to reach out to them to thank them for their support and inspire them to push boundaries. We also want to spread the love for volleyball to as many people in the provinces through our volleyball clinics,” aniya.

Ibinda rin ni dela Cruz na sasabak ang Banko Perlas sa Vietnam bilang paghahanda sa PVL.