HALOS 1,000 katao ang napabilang sa listahan ng bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, para sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa Department of Health (DoH) June 2018 HIV/AIDS Registry of the Philippines, may kabuuang 993 bagong kaso ng HIV ang naitala sa buong bansa.

Ang bilang ay mas mababa kumpara sa 1,015 bagong kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Karamihan sa mga kaso ay lalaki, na umabot sa 934, habang ang 59 ay pawang babae.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sexual contact remains as the predominant mode of transmission with 977 cases (98 percent), with 861 (88 percent) belonging to males who have sex with males (MSM) population,” lahad sa report.

Sa ilalim ng kategoryang male-to-male sex, mayroong kabuuang 594 na kaso; na sinundan ng 267 na nakikipagtalik sa kapwa babae at lalaki; at 116 kaso ng male-to-female sex.

Pitong indibiduwal ang nadiskubreng nakuha ang sakit sa pamamagitan ng paghihiraman ng karayom, ito ay para sa mga drug users, habang ang dalawang kaso ay sanhi ng mother-to-child na pagkakahawa.

Ang edad ng mga pasyente ay mula walong buwan hanggang 77.

Ipinakita rin sa datos na 18 porsiyento, o 174 na kasalukuyang kaso, ang may clinical indications ng advanced HIV infection o acquired immunodeficiency deficiency syndrome (AIDS).

One-third o 33 percent, o 324 bagong kaso ng HIV, ang naitala sa National Capital Region (NCR).

Ito ay sinundan ng Calabarzon (17 percent, 167 cases), Central Luzon (12 percent, 123 cases), Western Visayas (7 percent, 66 cases), Soccsksargen (6 percent, 58 cases), at Central Visayas (6 percent, 55 cases).

Pitumpu’t pitong kaso ng pagkamatay ang naitala dahil sa HIV/AIDS para sa nasabing panahon.

Upang maiwasan ang pagkamatay sanhi ng HIV, nagbibigay ang DoH ng anti-retroviral treatment (ART) upang pabagalin ang virus at pigilan itong atakehin ang immune system ng tao.

Hindi tuluyung pinupuksa ng gamot ang virus sa bloodstream, ngunit pinipigialn lamang ang paglanagap nito, kung regular ang pag-inom ng nasabing gamot.

May kabuuang 549 ang kasalukuyang nasa ilalim ART, kaya ang kabuuang bilang ng Persons Living with HIV (PLHIV) sa ART ay 28,045 na.

PNA