SA Facebook nag-post ng kanyang public apology ang Victor Magtanggol fan na si Paulo Naparan, na ginaya ang poster ng Thor, at inakala ng marami na gawa mismo ng GMA Network ang ipinost niyang poster last Monday.
Dahil sa nasabing poster, na-bash ang GMA kahit wala naman silang poster na ganoon. Pumalag ang netizens at sinabing bukod sa ginaya na nga ng GMA ang kuwento ng Thor, ay ginaya rin nito maging ang poster ng patok na Marvel movie. Pero sa original na poster ng Kapuso network, mag-isa lang si Alden Richards sa layout ng bagong serye.
“Okay mga dudes. Let’s clear things up. THIS IS A FANMADE poster only. I know medyo hawig yung mapapanood pa lang nating Victor Magtanggol and ang kilala na nating Thor sa mga movies ng Marvel, kaya I decided na gawan ng poster ang Victor Magtanggol na at least for my taste e lelebel sa mga poster ng mga past movie ng Marvel, specially yung first movie poster ng THOR, and posted it on Pinoy Graphic Artist FB group where you can showcase your GD to other graphic artist here in ph,” bahagi ng post ni Paulo.
“Then right after kung saan saan ko na siya nakikita, and also napagmumulan na ng hate and kabi-kabilang bash yung show because of this. Di ko alam, I created this to support Victor Magtanggol hindi po para ibash or kung ano man. Sorry.
“Sana bigyan natin ng chance yung show. And kudos sa mga writers ng GMA para sa mga bagong inihahain sa kanilang manunood. Yun lang!”
Marami ring nag-comment na against kay Paulo, pero may mga pumuri rin sa kanya. Pero ngayon, malinaw nang wala namang kasalanan ang GMA sa lumabas na poster, na hindi naman ginawa ng network. Sinamantala lang talaga ng bashers ang pagkakataon para siraan ang Siyete.
May nag-comment nga na sana raw ay panoorin na lang ang Victor Magtanggol para malaman kung ano talaga ang story ng OFW na si Victor, at ang superhero na si Hammerman, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.
-NORA V. CALDERON