HINDI pa rin natinag ang FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin sa bagong katapat nitong programang Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Coco

Marami kaming narinig na komento na posibleng itong bagong show ni Alden ang puwedeng tumapat kay Coco, dahil ilang taon na ring namamayagpag ang Ang Probinsiyano sa nasabing timeslot, at ilang programa na rin ng GMA-7 ang pinataob nito.

Actually, dedma ang mga nakausap naming taga-Probinsiyano dahil katwiran nila, mas magandang may bagong show para mas may challenge lalo’t ang dami-dami pa palang mga bagong mangyayari sa kuwento ng programa.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

May behind the scenes na ipinakitang si Coco mismo ang nagdidirek sa eksenang naghahabulan sila sa ilog sa probinsiya kung saan nagtatago sila ni Yassi Pressman. At naroon din si Lito Lapid, hindi bilang miyembro ng Vendetta, kundi bilang fight scene director.

Puring-puri rin si Coco ng mga kasamahan niya na ‘tila raw hindi nakakaramdam ng pagod. Kahit ang beteranong aktor at direktor na si Mr. Eddie Garcia ay bilib kay Coco, dahil ang dami nitong nakatagong ideya, maraming kuwento.

Sabi ng iba, nakakapagod nang panoorin ang Ang Probinsiyano dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatay si Cardo Dalisay. Eh bakit nananatili itong number one at malakas sa advertisers?

Sabi nga ni Tito Eddie: “Negosyo ito, bakit mo papatayin ang isang programa na malakas kumita?”

Anyway, pahulaan sa mga nakapanood ng Monday episode ng Ang Probinsiyano kung maaabutan ni Marco (JC Santos) sina Alyanna (Yassi) at Cardo (Coco). Cliff hanger ang episode nang niyakap ng huli ang asawa dahil pinapuputukan sila ng kalaban.

Samantala, tuluyan na kayang magagapi ng mga militar at ni Alakdan (Jhong Hilario) ang grupo ng Vendetta, na pinangungunahan nina Angel Aquino at Lito. ‘Yan ang pakaabangan sa FPJ’s Ang Probinsyano simula Lunes hanggang Biyernes.

Anyway, napanatili ng programa ang ratings nito sa national na 42.4%, kumpara sa pilot episode ng Victor Magtanggol na 20%, at sa rural naman ay nakapagtala ng 47.8% versus 17.2%, ayon sa Kantar Media survey.

-Reggee Bonoan