OVERWHELMED si Mikee Quintos sa mga blessing na dumating sa kanya nang pasukin niya ang showbiz. Dream come true talaga sa kanya ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Network dahil childhood dream niyang maging artista. At nang dumating nga ang chance na iyon, nagdasal daw siya.

Mikee

“Hindi po naman naging madali ang desisyon ko nang pasukin ko ang showbiz,” sabi ni Mikee nang makausap siya after ng press launch ng bago niyang primetime series, ang Onanay. “Isa po rito ang tungkol sa studies ko, ini-offer ko po iyon sa Kanya, dahil nag-promise ako sa parents ko na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko kapag natanggap ako sa GMA.”

First project pa ni Mikee sa GMA ang Encantadia na gumanap siyang isa sa mga batang Sang’gre. Tuwang-tuwa raw siya dahil ang role niya ay isang kikay na sang’gre. Pero marami rin siyang pinagdaanang hirap sa pagganap sa kanyang character. Pagkatapos ng Encantadia ay binigyan naman siya ng lead role sa fantasy series din na Sirkus.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Pero ang hindi ko po in-expect itong bago kong serye, ang Onanay. Overwhelmed na may kasamang takot nang malaman ko sa story conference namin na makakasama ko sina Superstar Nora Aunor at ang napakahusay na actress-kontrabida na si Ms. Cherie Gil. Then si Ms. Jo Berry, iyong nanay namin ni Kate Valdez sa story, ang husay-husay din bukod pa sa iba naming kasama. Happy po ako na muli kong nakasama si Tito Gardo (Versoza) na kasama namin sa Sirkus saka sina Ate Rochelle (Pangilinan) at Ate Vaness (del Moral) na nakasama ko naman sa Encantadia.

“First time ko lamang makakatrabaho sina Sir Wendell Ramos, Sir Adrian Alandy at si Enrico Cuenca.”

Ngumiti na lamang at hindi sinagot ni Mikee ang tanong kung may nang-iisnab ba sa kanyang mga Kapuso stars dahil parang ang bilis ng pag-akyat ng career niya.

Mapapanood na ang Onanay simula sa Lunes, August 6, pagkatapos ng Victor Magtanggol.

-Nora V. Calderon