Mga Laro Ngayon

(Letran Gym, Intramuros)

2:00 n.h. -- Letran vs CSB (jrs)

4:00 n.h. -- Letran vs CSB (srs)

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Standings W L

LPU 5 0

SBU 3 0

UPHSD 2 1

CSJL 2 1

AU 2 2

SSC-R 2 3

MU 2 2

CSB 2 2

EAC 0 4

JRU 0 5

MAITULOY ang kampanya ng host Letran sa matikas na pamamaraan ang target ng Knights sa pagsagupa sa College of St. Benilde ngayong hapon sa isa na namang edisyon ng NCAA on Tour na bahagi ng NCAA Season 94 basketball tournament sa Letran Gym sa Intramuros, Manila.

KARAMBOLA! Nagbangaan sa ere para sa rebound ang mga players ng San Beda at Emilio Aguinaldo College sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA Season 94 men’s basketball elimination nitong Martes sa The Arena. (RIO DELUVIO)

KARAMBOLA! Nagbangaan sa ere para sa rebound ang mga players ng San Beda at Emilio Aguinaldo College sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA Season 94 men’s basketball elimination nitong Martes sa The Arena. (RIO DELUVIO)

Sa pangunguna nina Larry Muyang at Christian Fajarito, pinadapa ng Knights ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 74-58, nitong Biyernes upang makasalo ng season host University of Perpetual Help Altas sa ikatlong puwesto taglay ang markang 2-1.

Tatangkain ng Knights na masolo ang ikatlong puwesto sa pamamagitan ng paggapi sa Blazers sa tapatan nila ngayong 4:00 ng hapon.

“We hope to continue to take advantage of our size the way we did in our past games,” pahayag ni Letran coach Jeff Napa.

Gayunman, masusubok ng husto ang mga big men ng Letran sa pagsagupa nila sa mga counterparts nila sa hanay ng Blazers sa pangunguna ni 6-7 Clement Leutcheu ng Cameroon, na nagposte ng 20 puntos at 14 rebounds sa nakaraang 81-66 na panalo nila kontra din sa JRU na nag-angat sa kanila sa patas na markang 2-2 at sa high leaper na si Yankie Haruna.

Umaasa si CSB coach TY Tang na magagawa nilang baguhin ang resulta ng naunang pagdayo nila sa home court ng Knigjts noong nakaraang season.

“We lost to them last year also in Letran and it was a close game. Hopefully, it would be a different turnout on Thursday,” pahayag ni Tang.

Mauuna rito, solong pamumuno naman ang target ng reigning juniots titlist CSB- La Salle Greenhills sa pagsagupa nila sa Letran Squires (1-2) sa pambungad na laban ganap na 2:00 ng hapon.

Kasalukuyang nasa 3- way tie sa pangingibabaw ang Junior Blazers kasalo ng Mapua at Arellano taglay ang markang 3-1, panalo-talo.

-Marivic Awitan