Bumuo kamakailan si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng komite sa Kamara para sa “disaster preparedness and resiliency of every district in the country”, kasunod ng pagpapatibay sa panukalang magtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) sa bansa.

Inaprubahan ang nasabing panukala dalawang araw makaraang personal na umapela para rito si Pangulong Duterte sa kanyang State-of-the-Nation Address (SONA), ayon sa may akda ng panukala, si Albay Rep. Joey Salceda.

Ayon sa kongresista, hindi mahihirapang pagtibayin ang House Bill 6075 (DDR Bill) dahil mismong si Arroyo rin ang nag-apruba ng RA 10121 noong pangulo pa siya ng bansa, taong 2010, upang paigtingin ang kahandaan laban sa kalamidad.

Kilalang “pioneer of climate change adaptation and disaster risk reduction”, inihain ni Salceda ang DDR Bill at inatasan ding pamunuan ang technical working group ng Kamara para isama sa kanyang panukala ang 43 iba pang kaugnay na panukala.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente