LALARGA ang inaabangang CM Challenge Run Davao, inorganisa ng Color Manila, ang mahigpitang labanan sa Agosto 12 sa SM Lanang Premier.
Ito ang unang pagkakataon na masisilayan at masusubukan ang saya at sigla sa CM Challenge Run, sa Mindanao.
“We are excited to bring CM Challenge Run to Davao, which is a perfect mix of both a fun-run and an obstacle course run, or OCR. We are also bringing our CM Challenge obstacles to Davao, and we would like to invite runners, and our followers alike, to join this event on August 12, 2018.” Pahayag ni ColorManila VP Justine Cordero.
Naghihintay sa CM Challenge Davao ang kategoryang 3K, 5K at 10K takbuhan, bukod sa obstacle course tulad ng inflatable slide, inflatable tire skip, at military crawl obstacles. Bukod dito, may pagkakataon din ang mga kalahok na makinig sa paborito nilang tugtugin.
Ang Deluxe Kit, o ang Rockstar Kit t may presyong P799, kabilang na ang shirt, race bib, finisher’s medal, sunglasses at color pocket.