IGINIIT ni Christian Bables na all’s well between him and two well-respected directors, sina Jun Lana at Perci Intalan. Nagkaayos na raw sila noon pa.

Christian

Matatandaang sumama ang loob ng big bosses ng Idea First Company nang tanggihan ng manager ni Christian ang TV series na Born Beautiful, na proyekto ni Direk Jun.

Kasunod nito ay naakusahan si Christian na walang utang na loob. Si Direk Jun kasi ang nagbigay ng big break kay Christian sa pelikulang Die Beautiful, na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon kay Christian, siya mismo ang nag-reach out sa dalawang director during the presscon of 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

“Again, uulitin ko lang po ‘yung sinabi ko noon sa PPP, it was a misunderstanding between my former manager and Direk Perci. I was totally out of the picture,” paglilinaw niya.

“Ako, naghihintay lang ako kung kelan ang shooting ng Born (Beautiful). Bigla na lang isang araw, ibinalita sa akin na hindi na ako si Barbs (karakter niya),” kuwento pa ni Christian. “Okay lang kasi, alam kong may mga rason kung bakit nangyari ‘yun, tinanggap ko nang maluwag ‘yun.”Nilinaw din ni Christian sa presscon na hindi ang pelikulang Signal Rock ang ipinagpalit niya sa Born Beautiful.

“Nauna po ito (Signal Rock) bago ‘yung pag-uusap namin ni Direk Jun about Born Beautiful,” aniya.

Dagdag pa niya, baka raw ang teleserye niyang Halik sa ABS-CBN ang tinutukoy na dahilan kung bakit hindi niya natanggap ang Born Beautiful. Pero hindi raw ibig sabihin nito ay wala na siyang utang na loob.

“Kung bubuksan n’yo ang dibdib ko, ‘yung utang na loob will always be here hanggang siguro sa mamatay ako. Itong mga taong ito (Perci and Jun) ang dahilan kung bakit ako nandito.

“It’s very unfair for me and for them para sabihing nag-fall apart ang utang na loob ko sa kanila. Hindi po mangyayari ‘yun,” sabi pa ng aktor.

Bida si Christian sa Signal Rock, na idinirek ni Chito Roño at kasali sa PPP na mapapanood sa Agosto 15-21. Malaki ang pasasalamat ni Christian na nakatrabaho niya ang magaling at batikang direktor.

“Sobrang thankful, sobrang blessed, sobrang saya. Kasi panaginip lang ‘to dati, eh. Itong lahat, panaginip lang ‘to before. Tapos, parang gumising ako isang araw, naging direktor ko si Direk Chito. Bonus, parang naging tatay ko pa siya.

“Tapos, nakikita ko na ‘yung pangalan ko sa poster. Iba. Para po akong nananaginip,” pahayag ni Christian sa Push.

Kinuhanan pa sa isang liblib na isla sa Samar, tampok din sa Signal Rock sina Elora Espano, Mara Lopez, Francis Magundayao, Arnold Reyes, at marami pang iba.

-Ador V. Saluta