PINANGASIWAAN ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagkakaisa ng mga muay federation sa bansa para mabuo ang Professional Muay Thai Council of the Philippines (PMTCP).
Matapos ang pagpupulong na naglalayong mapagkaisa ang lahat ng grupo para ma-professionalized ang sports, sa ilalim ng regulasyon at pangangasiwa ng GAB, nagdesisyon ang lahat ng ‘stakeholders’ sa sports na sumailalim sa PMTCP.
“Lumalaki ang pamilya ng muay sa Pilipinas, kaya napapanahon na ma ma-professionalized ang kanilang hanay. Nagpapasalamat ako sa lahat ng stakeholders at nagkakaisa sila sa iisang hangarin – ang mapalago ang sports,” pahayag ni Mitra, dating Palawang Congressman at Governor.
Kabilang sa nagselyo sa Council sina Jaime Ignes ng Philippine Muay Thai Federation; Gerald Bassig ng World Muay Federation; Pearl managuelod ng Muay Thai association of the Philippines; Francis Amandy ng Elorde Boxing Gym; Archie Brioso ng Kalasag; Sherwin Villarica ng Philippine Kamao; Emmanuel Sabrine ng national Muay Thai Kick Boxing Council of the Philippines;
Barry Agpoon ng Pinoy KickBoxing; Rey Baylosis ng Philippine Thai Boxing Association; Ron catunao ng URCC; at Richard Auty ng ONE Championship. Nakiisa rin ang mga kinatawan ng Team Lakay at Mindanao Ultimate Mixed Martial Arts.
“We’re happy with this development. Maganda ito para sa amin at sa sports sa pangkalahatan,” ayon kay Mitra.
Sa pagpupulong, napagkaisahan din ng grupo ang pagpapasailalim sa regulasyon ng GAB, kabilang na ang regular na pagpapalisensya, gayundin ang pagbibigay ng standard professional fee sa mga atleta na P5,000 kada laban.
“The Board perseveres in regulating the safe and fair conduct of professional Muay Thai in the country and look forward to develop more promising and world class professional fighters,” sambit ni Mitra.