Inihayag ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) na ang susi sa kanilang tagumpay upang masungkit ang Police Community Relations (PCR) Outstanding Police Provincial Office (national level) award ay ang magandang relasyon ng pulisya at mga residente ng nasasakupang lugar.

Ayon kay Chief Insp. Norman Florentino, ang kinilalang Outstanding PCR Junior Police Commissioned Officer (national level) ngayong taon, ang mabuting samahan sa pagitan ng pulisya at komunidad ang naging daan para maging aktibo ang hakbang PPO hinggil sa pamamahala sa kanilang nasasakupan. Mainam na paraan din umano ang paggamit ng Facebook, radyo at iba pang media platforms upang makipag-ugnayan sa mga residente.

“We have organized posting of accomplishments of the stations and other relevant information on Facebook, and we also have various programs and projects for all sectors of the community, so that we could draw the community to us,” lahad ni Florentino.

Aniya pa, ang ilang proyekto ng PPO ay kakaiba na ipinatutupad lamang sa lalawigan, gaya na “Post ko, like mo, share mo” sa Facebook at ang pag-oorganisa ng Salaam Police Volunteers, kung saan kabilang at kahalubilo ang mga residenteng Muslim.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mayroon ding radio program ang PPO na may titulong Usapang Pulis, kung saan maaaring magtanong ang mga nakikinig sa mga awtoridad ng kahit na anong may kinalaman sa pagpapatupad ng batas.

Samantala, bilang bahagi ng “Dugong Pulis” program, nagsagawa ang istasyon ng bloodletting activity, sa koordinasyonng mga babae at lalaking pulis sa lalawigan. Nangako naman si Florentino na pananatilihing aktibo ang mga programa at proyekto na nakatulong upang mapagwagian nila ang parangal. Gayundin, bubuo ulit umano sila ng mga bagong programa na makatutulong sa mga residente ng Pangasinan.

“We thank God, our families and the policemen and policewomen who never get tired of serving our citizens,” aniya.

PNA