INAALALA ngayon ng sambayanan ang pangulo ng bansa na siyang namuno sa transisyon matapos ang 20 taon ng batas militar at awtoritaryang pamumuno—si Corazon C. Aquino, ang unang babaeng pangulo ng bansa.
Naging kritikal na bahagi ng ating kasaysayan ang mga taon, makalipas ng People Power revolution noong 1986. Napunta sa sentro ng kaguluhan ng pulitika, panlipunan, militar at ibang aktibidad si Gng. Aquino ng piliin siya ng mga pulitikal na lider ng bansa na mamuno sa panahon ng pagbangon.
Ang Konstitusyon binuo ng kanyang Constitutional Commission na ipinagtibay noong 1987 ang siyang ipinapatupad sa ngayon at marami ang nagsisikap na palitan ito ng bago na nakaayon sa pederal na sistema ng pamahalaan.
Nakilala ang kanyang administrasyon para sa pagbabalik ng institusyong demokratiko at gayundin para sa mahahalagang batas, kabilang ang Family Code ng 1987, ang Administrative Code ng 1987 at ang Local Government Code ng 1991. Nanawagan din siya para sa isang joint session ng Kongreso ng US noong 1986, na sinundan ng pagboto ng kamara ng US para sa $20 milyong emergency aid sa Pilipinas. Nang sumunod na taon, nakipagkita siya kay Soviet President Mikhail Gorbachev sa Moscow, na naging hudyat para sa pagsisimula ng ugnayang Philippine-Soviet.
Sa kritikal na panahon ding ito ng kasaysayan ng Pilipinas nang nilisan ng puwersa ng Amerika ang Pilipinas, kasunod ng pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1991. Nang ibaba ang bandila ng Amerika sa Subic noong 1992, ito ang unang pagkakataon simula noong 16 na siglo na walang militar na puwersa ng banyaga ang nasa bansa.
Sa pagtatapos ng kanyang anim na taong termino, tinanggihan niya ang hakbang para sa isang muling paghahalal dahil hindi siya inihalal sa ilalim ng Konstitusyon ng 1987, subalit tinanggihan niya ang lahat ng hiling, sa kagustuhang maging halimbawa “that the presidency is not a lifetime position.” Dahil dito, inalala siya ng marami sa mga sumunod na panahon na markado ng maraming panlilinlang at hinala ng pulitikal na ambisyon sa pulitikal na buhay ng bansa.
Isinalin ni Pangulong Aquino ang kanyang kapangyarihan at responsibilidad sa kanyang kapalit, nasi Pangulong Fidel V. Ramos noong 1992, kasunod ng pagmamahinga mula sa aktibong buhay ng pakikilahok sa pulitikal at panlipunang isyu hanggang sa pumanaw siya noong Agosto 1, 2009. Ginugunita natin siya sa kanyang anibersaryo ngayong araw bilang ating representasyon ng demokrasiya na nagbigay halimbawa ng pamumuno sa panahon ng transisyon na tulad ng nararanasan natin ngayon.