Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Ginebra vs San Miguel

MATAPOS ang dalawang blowout game na pinaghatian ng magkatunggaling koponan, dikdikang laro ang asahan sa muling pagtatagpo ng Ginebra Kings at San Miguel Beermen sa Game 3 ng PBA Commissioners Cup best-of-seven championships ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

 JAWO! Kinawayan ni PBA living legend Robert Jaworski ang crowd na patuloy na kinikilig sa kanyang presensya sa championship game ng dating koponang Ginebra San Miguel. (RIO DELUVIO)

JAWO! Kinawayan ni PBA living legend Robert Jaworski ang crowd na patuloy na kinikilig sa kanyang presensya sa championship game ng dating koponang Ginebra San Miguel. (RIO DELUVIO)

Nakatakda ang laro ganap na 7:00 ng gabi.

“We expect it to be hard, tough and we expect every game to be close,” pahayag ni Kings import Justin Brownlee. “The only thing we expect is to come out with a one point win. We know from hereon, it’s gonna be tough.”

Umaasa si Brownlee na magagawang malimitahan ng Kings ang kanilang mga turnovers na para sa kanya’y naging dahilan ng kabiguan nila sa Game Two.

Para naman sa Beermen, naniniwala silang kinakailangan nilang maghanda, para makasabay sa magiging adjustment ng kinikilalang pinakamahusay na mentor ngayon sa liga na si coach Tim Cone.

“I expect the coaching staff, the management, boss Robert, and everybody else, the staff, everybody that’s part of our organization, our team, our ball club to be on pins and needles because we know naman coach Tim Cone is a great coach,” pahayag ni SMB guard Alex Cabagnot.

“He is one of the greatest coaches that the PBA has with 20 championships. I think we’re gonna be prepared. We’re gonna try to prepare as well as possible. So for Game 3, we could be adequately reinforced,” aniya.

Ngunit, maliban sa adjustment, kailangan ding bantayan ng Beermen partikular ng bumubuo ng kanilang core ang kanilang mga sarili lalo na ang pagkontrol sa kanilang pagtitimpi sa pisikalidad ng laro.

Naging mainit ang magkaribal sa Game 2 na nauwi sa diskwalipikasyon nina Arwind Santos at Chris Ross at ma-warningan naman si import Renaldo Balkman dahil sa itinawag sa kanilang flagrant foul.

Bukod sa tapatang Balkman at Brownlee, inaasahang magiging mas maigting din ang tagisan sa loob ng court ng iba pang key players ng magkabilang panig na kinabibilangan nina Junemar Fajardo, Christian Stsndhardinger at Marcio Lassiter para sa Beermen at sina Greg Slaughter. Joe Deviance at Scottie Thompson ng Kings.

-Marivic Awitan