CAMP OSCAR FLORENDO, La Union – Iba’t ibang kaso ang isinampa ng prosecutor’s office laban sa dating konsehal, live-in partner at siyam nitong empleyado dahil sa umano’y multi-million pesos investment scam sa Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon kay Police Regional Office 1 director, Chief Supt. Romulo Sapitula, ang mga suspek ay sina dating Sta. Barbara, Pangasinan Municipal Councilor Renato Gabiola; kinakasama niyang si Sharmaine Junio Castillo, na kilala rin bilang "Shamee", mula sa Bayambang, Pangasinan, na umano’y utak ng scam.
Bukod sa magkasintahan, kinasuhan din ang siyam nilang empleyado. Sila ay sina Mhay Ann Lanuza, mula Manaoag; Kristine Coleen Ada Martin, Laoac; Camille Cyree dela Cruz, San Nicolas; Haydee Marie Andrada E. Ramos; Hannah Cristina Marquez, Aurelia N. Marquez, pawang ng Urdaneta City; Janice E. Daluzong, Dagupan City, pawang sa Pangasinan; habang si Richelle B. Pangilinan, Baguio City, lahat sila ay inaresto at nasa kustodiya ng Urdaneta police station.
Gayunman, "Gabiola and his live-in partner Castillo together with their other employee identified as Chenyenne Pearl G. Nelvis also known “Chin-chin” from La Union are still at-large," ani Sapitula.
Sa kanilang modus operandi, gamit ang Facebook, sa ilalim ng "Urdaneta Buy and Sell", inaalok ng magkasintahan ang mga investors o mga miyembro na tumanggap ng malaking interest sa loob ng isang linggo. Ang 50 porsiyento ng pera ay magkakaroon ng profit shares sa loob ng pito o sampung araw dahil sa pagbebenta ng C and G Dry Goods "ukay-ukay" company na matatagpuan sa Barangay Camantiles, Urdaneta City, Pangasinan.
"It was not yet cleared how exact members of victims on the said investment scam, and how exact money was being run by suspects due to still on goes members are being filed charges in the police station, and also further investigation," ayon kay Sapitula.
Gayunman, sa Inquest proceeding, na isinagawa ni Asst. City Prosecutor Marco L. Bernardo, magkahiwalay na kaso para sa crime estafa ang naisampa na at nakatakdang isailalim sa preliminary investigation.
-Erwin Beleo at Liezle Basa Iñigo