DURANGO (AFP) – Bumulusok ang isang flight ng Aeromexico sa gitna ng malakas na hail storm sa hilaga ng Mexico at nagliyab ang eroplano na ikinasugat ng 97 katao, ngunit himalang walang namatay, sinabi ng mga opisyal nitong Martes.
Sakay ng Embraer 190 aircraft, may biyaheng Durango at Mexico City at bumulusok dakong 3:00 ng hapon, ang ‘’88 adults, nine minors, two infants, two pilots and two flight attendants,’’ sinabi ng director general ng airlines na si Andres Conesa sa news conference.
‘’It is confirmed that there have been no deaths from the flight #AM2431 accident,’’ tweet ni Jose Rosas, ang governor ng Durango state kung saan nangyari ang crash.
Malubhang nasugatan ang piloto na inoperahan sa spinal, at isang batang babae ang nasunog ang 25 porsiyento ng katawan, ayon sa governor.
Sinabi ni Durango civil defense spokesman Alejandro Cardoza na tinamaan ng malakas nahailstorm ang eroplano ilang sandali matapos magtake off. Sinikap ng mga piloto na mag-emergency landing, at kasunod nito ay sumiklab ang apoy