PARA sa tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, napaka-challenging ng The Hows of Us, at ginampanan ng rumored sweethearts ang role nina George (Kathryn) at Primo (Daniel) in a movie filmed on location sa Amsterdam, at directed by Cathy Garcia-Molina.
Sa panayam ng Push sa KathNiel, inamin ni Daniel na hindi naging madali ang mga eksena dahil si Direk Cathy ang kanilang direktor.
“Hindi siya madali siyempre, lalo na kay Direk Cathy. Mahirap dahil very passionate na tao [siya]. Mahirap siyang i-please, pero kapag na-please mo naman siya, kahit ikaw, very happy ka na. Siyempre ibig sabihin non nakuha mo kung ano ‘yung gusto niya. And ‘yun naman ang gusto namin ni Kathryn.
“Maraming mga personal na ano dahil ‘yung movie nga totoong-totoo, kaya excited din kaming maipalabas sa mga tao ‘to, dahil talagang connect sa inyo, sa ating lahat, sa mga [may] relasyon o wala man. Ito ‘yung nangyayari,” sabi pa ni Daniel.
Nahirapan naman si Kathryn sa pagganap bilang George because of the depth of the character.
“Sobrang hirap talaga, as in mahirap. Hindi ko sinasabi na panoorin nila dahil mahirap. Pinaghirapan, sabi ni Direk Cathy. Pero sobrang na-challenge kami sa hinihingi sa amin ng script. Siguro kasi ang lalim nung parehong characters. Hindi na siya pambagets lang na love story, so kailangan ilagay dun ‘yung lalim, dun sa mga eksena,” kuwento ni Kathryn.
“Pero ang sarap niyang gawin kasi feeling ko ang dami sa kanyang makaka-relate. Pati kay Primo, kasi pati kami minsan nakaka-relate kami kapag binabasa namin ‘yung script,” sabi pa ni Kathryn.
“Relate talaga, sobrang relate, kahit sino sa atin for sure. Lahat tayo dumaan na sa linyang ganito, dumaan na sa sakit na ‘to, dumaan na ‘to sa goodbyes na ganito, so talagang ang sarap niya panoorin,” dagdag pa ni Daniel.
Ipinaliwanag din nina Kathryn at Daniel ang story behind the title of their new movie, ang The Hows of Us.
“Well double meaning yata siya, kasi ‘yung ‘hows’ namin h-o-w-s, kasi hows, how to save the relationship,” paliwanag ni Kathryn.
“How to save us [din] and the house mismo kaya siya ‘The Hows of Us’,” dagdag ni Daniel.
Kathryn further relayed that the story would revolve around a house.
“Ito ‘yung location, eh. Diyan mag-iikot ang story (pertaining to the house they were shooting at). Sa simula hanggang ano, dun lahat. So mage-gets nyo ‘pag makikita n’yo ‘yung teaser,” paliwanag ni Kathryn.
Pagkatapos ipalabas ang teaser ng The Hows Of Us kamakailan lamang, umani na ito ng 2.5 million views in 19 hours sa Facebook. The Hows of Us will be shown on August 29, 2018.
-ADOR V. SALUTA