ATLANTA (AP) — Nakamit ni John Isner ang BB&T Atlanta Open title sa ikalimang pagkakataon sa anim na season nang gapiin ang kababayang si Ryan Harrison sa ikalawang sunod na taon.

Nagwagi ang top-seeded na si Isner kontra sa eighth-seeded na si Harrison 5-7, 6-3, 6-4 nitong Linggo sa Atlantic Station, para makasama sina Jimmy Connors, John McEnroe, Andre Agassi at Pete Sampras bilang Americans na nagwagi sa ATP Tour event ng higit sa limang beses.

Naitala ni Isner ang panalo sa loob ng isang oras at kalahati.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?