BILANG pagsuporta sa adhikaing tagumpay nang mga magsasaka, higit yaong tinatawag na ‘block farming’, na mapataas ang ani sa kanilang mga sakahan, isinusulong ng Coca-Cola Philippines ang pagtatayo ng mga irigasyon, sa pamamagitan ng ‘Agos’ ram pump sa sugar-rich province ng Negros Occidental.

BINUKSAN ng mga opisyal ng Coca-Cola Philippines ang programang patubig sa mga magsasaka sa Negros Occidental.

BINUKSAN ng mga opisyal ng Coca-Cola Philippines ang programang patubig sa mga magsasaka sa Negros Occidental.

Ang ‘block farming’ ay isang pamamaraan nang pagsama-sama nang maliliit na lupain na pagmamay-ari ng mga maliliit na magsasaka para malapawak ang lugar na mapagtataniman na magdudulot nang karagdagang aanihin.

“This is in line with our commitment to the sugar industry, particularly to the small farmers, that Coca-Cola Philippines will always be their partner. By improving irrigation, we help them achieve better productivity for their sugar farms,” pahayag ni Winn Everhart, Coca-Cola Philippines president and general manager.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Isinagawa kamakailan ang ‘ceremonial turnover’ para sa irigasyon na magagamit sa Sitio Dama sa bayan ng La Castellana.

Pinangasiwaan nina Everhart, ilang empleyado ng Coca-Cola Philippines, Coca-Cola FEMSA Philippines, at Coca-Cola Foundation Philippines, gayundin ni La Castellana Mayor Rhumyla Nicor-Mangilimutan ang pagbubukas ng irigasyon na magagamit ng mga magsasaka para maabot ang kanilang layunin na makatulong sa pagunlad ng industriya ng asukal.

Sa pakikipagtulungan ng Alternative Indigenous Development Foundation, Inc (AIDFI), target ng Coca-Cola Philippines na mabuksan pa ang limang ‘Agos’ ram pumps para magamit ng block farming communities sa Negros Occidental na binubuo ng 759 ektaryang taniman ng tubo at palay.

Ang mga irigasyon ay itatayo sa Sitio Cambuktot, Brgy. Mansalanao in La Castellana, Hacienda Mercedes, Brgy. Ma-ao in Bago City, Purok Talong, Brgy. Ilijan in Bago City; Sitio Maninit, Brgy. San Isidro, in Toboso; at Sitio Tayao sa Brgy. Camalanda-an ng Cauayan.

“Since 2012, we have constructed over 43 water access facilities in Negros. Mostly to provide water access to upland communities who live far from their water sources as we continue to strive to return to the communities or the environment every drop of water that we use in producing beverages,” sambit ni Cecile Alcantara, Coca-Cola Foundation Philippines president.