TARGET ng building solutions provider Holcim Philippines, Inc. na matulungan ang 400,000 katao sa mga komunidad sa taong 2020 sa pamamagitan nang mga programa na nakatuon sa pabahay, infrastructure, edukasyon, kabuhayan, kalusugan at kaligtasan bilang bahagi ng social responsibility and sustainability commitments ng kompanya.
Inihayag ng Holcim Philippines ang naturang programa na tinaguriang “Holcim Helps,” sa isinagawang media briefing kamakailan sa Milkyway restaurant sa Makati City.
Ang naturang programa ay bahagi nang pagbabalik-tanaw ng kompanya sa suporta ng mga komunidad kung saan nananatili ang mga warehouse at pabrika ng Holcim.
“Holcim Helps aims to make its communities and the public better understand and appreciate that Holcim Philippines’ programsare about working with our partners for a future for keeps, pahayag ni Holcim Philippines President and CEO John Stull.
Ang “Holcim Helps” ay kakaiba sa tradisyunal na pagbibigay ng donasyon sa kawanggawa. Mas binibigyan nito ng kahalagahan ang kaayusan at sariling responsibildad nang mamamayan na hindi umaasa lamang sa matatangap na tulong.
“It also underscores our goal of making our programs a collaboration with our communities instead of charitable donations as the primary form of assistance. Instead, our goal is to partner with them to better understand their needs andequip them with the means to improve their lives through capability-building initiatives for a more sustainable and lasting positive impact,” aniya.
Mula noong 2015, umabot na sa 300,000 katao ang nabiyayaan ng Holcim Philippines corporate citizenship programs.
“These initiatives help improve the efficiency of our operations thus generating savings for our business. More importantly, our sustainability programs allow our company to further support our commitment be a partner in helping the country build a better future,” ayon kay Stull.