PINATAOB ni Triathlete John Chicano ng Go for Gold Philippines ang mga pambato ng Singapore at Malaysia matapos itong manaig sa TRI-Factor Asian Championship Series sa standard distance event na ginanap sa East Coast Park ng Singapore kamakalawa.

Si Chicano na tubong Olangapo City ay tumapos ng 2:02:29 sa orasan upang kumpletuhin ang kanyang tasks na 1.5km swim, 36km bike at 10km run at pasunurin sa kanya ang National Athlete ng Singapore na si Cedric Chua na tumapos naman ng 2:07:48 para sa ikalawang puwesto. habang nasa ikatlong puwesto naman si Ryan Tan ng Malaysia na may 2:10:37 sa orasan.

Ikinasiya naman ni Chicano ang kanyang nasabing panalo kung saan pinasalamatan niya ang kanyang pamilya at mga coaches sa suporta ng mga ito sa kanya.

“Sobra po akong nagpapasalamat una sa Panginoon sa ibinigay niyang lakas po sa akin para kayanin ko po yung event and of cours sa Family ko at sa mga coaches ko po sa walang sawang suporta,” pahayag 21-anyos na si Chicano.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Si Chicano ay naging silver medalist sa 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia matapos siyang talunin ng kapuwa Pinoy na si Nikko Huelgas na nag-uwi naman ng ginto.

Samantala, umabot sa kabuuang 1,800 triathletes ang nakilahok sa nasabing serye ng Tri-Factor na naggugunita ng kailang ika-sampung taon.

Ang kasunod na serye ay magaganap sa China ngayong darating na Oktbre.

-Annie Abad