INILABAS ng UAAP Season 81 host National University ang official logo at theme para sa darating na UAAP season sa kanilang official social media accounts.

UAAP 81

Sa bagong logo, ang “UAAP” ay may background ng araw na nagtataglay ng kulay ng walong miyembrong paaralan ng liga.

Ang bilang naman ng season na 81 ay taglay ang kulay ng NU na asul at ginto.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Magsisilbi namang tema ng selebrasyon para sa Season 81 ang katagang “It All Begins Here”.

Sa nakalipas na 80 taon, nagsilbi ang UAAP bilang premyadong liga kung saan nagsisimula ang paglalakbay ng isang student-athletes hanggang sa maging isang ganap na professional athlete o national team member.

Kaugnay nito, may mga pagbabago ding gagawin ang NU gaya ng pagbalanse ng UAAP calendar at pagbibigay ng kopya ng rule book ng liga para sa lahat ng mga UAAP coaches at athletes.

Ang 81st season ng UAAP ay pormal na magbubukas sa Setyembre 8 sa SM Mall of Asia Arena.

-Marivic Awitan