NABIGO si dating world minimumweight champion Gretchen Abaniel ng Pilipinas nang matalo via 4th round TKO sa kanyang paghamon kay WBO light flyweight titlist Tenkai Tsunami nitong Linggo ng gabi sa Convention Center, Ginowan, Okinawa, Japan.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng 32-anyos na si Abaniel makaraang mabigo na mahablot ang IBF female minimumweight title sa kampeong si Chinese Songju Cai via 10-round unanimous decision noong Oktubre 26, 2017 sa Macau, China.

Dating Global Boxing Union at Women’s International Boxing Association si Abaniel at natamo niya ang dalawang titulo sa pagtalo kay dating undefeated Oezlem Sahin ng Turkey sa 10-round split decision sa sagupaang ginanap sa Ludwigsburg, Germany noong Nobyembre 7, 2015.

Naidepensa niya ang mga titulo kay Thia lady warrior Saowaluk Nareepangsri sa 10-round unanimous decision sa Punchbowl, Melbourne, Australia noong Hulyo 2, 2016 bago binitiwan ang mga korona.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord ngayon si Abaniel na 18 panalo, 10 talo na may 6 pagwawagi sa knockouts samantalang napaganda ni Tenkai ang kanyang kartada sa 25 panalo, 12 talo na may 13 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña