MATAPOS ang inisyal na pag-aanunsiyo ukol sa paglalatag ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby, bumuhos na ang pagpapalista para sa pinaka-prestihiyosong labanan ng mga batang-tinale sa buong mundo, na malinaw na senyales na mababasag ang 330 entry na lumahok noong nakaraang taon.
Ang una sa dalawang Master Breeders derby sa 2018 ay gaganapin sa Setyembre 20 hanggang 30 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, na kapapalooban ng regular na 9-stag international derby na may pot money na P88,000 at minimum bet na P55,000 at ang one-day 9-stag big event na may entry fee na P220,000.
Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, at tulong nila Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay may buong suporta ng by gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahanat Thunderbird Bexan XP.
Kumpirmado na ang paglahok at nakahanda nang masubukan ang mga bagong palahi nina Ariel Magat & Arnold Arena II, Hermin Teves, Vic & Jay Gonzales, Rhona Bullecer, Rolly Gabon, Mark derla Lim, Kevin Dimayuga & Richard Arce, Jap Gagalac & Clarissa Salazar, Norman Ilao, Chris Sioson, Michael Anthony & Bernard Sollestre, Carlo Leynes, Jasper Villamanto, Arnold Danielle Manalo, Gel Vallester, Niño Umayam, Michael Bazar & Rex Montalban; Anthony Lim, Bernardo Tuazon, Arman Santos, Atty. Amante “Starbucks” Cappuchino, Atty. Arcal Astorga, Bong Pineda, Capt. J. Abantao, Celso Bautista, Engr. Celso Salazar, Danny Lim, Engr. Jacob Lee, Fidel “Boy” Villanueva, Jr/Mayor Leonofre Geronilla, Fiscal Villanueva, Frank Berin, Jayson Garces & Coun. Mark Calixto, Jervy Maglunob/Noel Cosico; Joey delos Santos, Jojo Cruz, Manny Garcia, Mayor Max Roxas, Mayor Amboy Manlapaz, Mayor Larry Alilio, Mayor Neil Lizares, Nestor Vendivil, Patrick Antonio, Arnold dela Cruz, Ramon Mancenares, Tata Rey Briones, Toto Aurue Alas, Toto Gregore, Vernie Legaspi atbp.
Sa Setyembre 20, 21 & 22, gaganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations na susundan ng one-day 9-stag blowout sa Set. 23. Ang tatlong 3-stag semis ay nakatakda sa Set. 24, 25 & 26. Ang 4-stag finals para sa lahat ng lahok na may 2, 2.5, 3 o 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Set. 28, samantalang ang mga may 4, 4.5 or 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa 4-stag grand finals sa ika-30 ng Setyembre.
Maaring ilaban ang mga stags na may wingband ng anuman lokal na gamefowl breeders associations sa ilalim ng Federation of International Gamefowl Breders Associations (FIGBA) o sa Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan), Inc. (PFGB-Digmaan). Ang mga ‘early-bird’ banded stags na napisa o ipinanganak bago mag Disyembre 2017 at hindi tatanggapin.
Ang mga interesadong sumali ay maaaring kumontak gamit ang Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby o sa cellphone number 0927-8419979.