NAGBIRO si Ogie Alcasid na baka pang-fourth Best Actor na lang siya sa 2018 Cinemalaya Film Festival sa Agosto 3-11, dahil pawang magagaling daw ang mga kalaban niya.

Ogie copy

“Nu’ng um-attend kasi ako ng presscon (Cinemalaya entries), nakita ko sina Eddie Garcia, Dante Rivero. Sabi ko ay, pang-4th na lang ako. Ang gagaling masyado,” biro ni Ogie sa bloggers presscon ng pelikula niyang Kuya Wes, na entry ng Spring Films/A-Team (Ogie production), at Awkward Penguin.

“But you know, here are the veterans which is they wanna do a good film. Tapos ang ganda ng energy amongst the actors, the directors, scriptwriters, lahat magagaling. Nakakatuwa talaga.” Sa Kuya Wes, nagtatrabaho si Ogie sa isang remittance center, at palabati siya sa lahat ng pumupunta, masayahin sa kabila ng problemang hindi siya masyadong napapansin ng sariling pamilya. At ang tanging nakakapagpasaya lang sa kanya ay ang regular costumer niyang si Erika, na ginampanan ni Ina Raymundo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ang aim namin is to gain a new audience, you know. Alam ko naman na ang mga nanonood ng pelikula ay millennials, ‘di ba, at inaasahan ko na rin na ‘yung aking mga fans na beterano, mga lola, mga nanay ay manood din at mabigyan naman din sila ng ibang side ni Ogie.

“Ito lagi kong sinasabi, na lahat ng comedy actors na merong side sa kanila na sana mabigyan din sila ng pelikulang (seryoso) na masasabing, ‘ah aktor siya’. Because comedy is actually very hard to do, but it is rare to be called actors, we are always called comedians. Hindi naman iyon nakakabawas, in fact kung hihimayin mo, we are actually actors.

“’Yung mga hinahangaan ko, tulad ni Dolphy, they really made a great crossover doing serious films and of course they are the likes of Steve Carell, Jim Carrey, Robin Williams, Tom Hanks whom I admired for a very long time.

“Si Tom Hanks naaalala ko, napapanood ko siya sa mga sitcom, eh. Then suddenly he did Philadelphia, then Forrest Gump, and won best actor. Alam mo ‘yun, nandoon ‘yung desire nila to be recognized as an actor. I’m just blessed and pleased na nagawa ko itong Kuya Wes.”

Ayon naman sa direktor ng Kuya Wes na si James Robin M. Mayo, middle aged actor ang peg niya sa bida at in-adjust nila ang age para sumakto kay Ogie.

“Saka unang pasa kasi ang bilis mag-reply ni Kuya Ogie, kaya wala nang chance humanap ng iba,” kuwento ni James, na ikinatawa ng lahat. “First choice rin naman siya. At saka hindi naman kasi ako sanay na nirereplayan agad,“ tumatawang kuwento pa niya.

Samantala, hindi naman inakala ni Ogie na gagawa siya ng indie film, dahil nga nasanay siya sa commercial films. ‘Yun nga lang, hindi naman lahat ng nagawa niyang pelikula ay kumita.

“I never imagine doing myself and independent film because, siyempre this is actually my 38th film, 36 of them were bad. Ha, ha, ha. The other one was good, which is I Do Bidoo Bidoo (Heto nAPO sila, 2012) which didn’t make so much money.

“This is actually my first good film, I think, because I’m middle-aged actor and it’s very rare mabigyan ng chance ‘yung middle aged actor ng starring role.

“That’s the reason why I want to do this film not for anything else but because I just fell in love with the story, the screenplay. I fell in love with everybody else involved in the movie. It’s funny sa akin, sa panlasa ko. Natatawa ako sa pelikula, hindi ko alam sa inyo. Hindi ko alam sa manonood and I did not know if that is good enough for me to do it,” pag-amin ng songwriter cum actor.

M a s u s u n d a n p a b a a n g K u y a W e s ? “Aba’y kung kumita kami nang bande-bandehado, oo naman,” ani Ogie.

Bukod kina Ogie at Ina, kasama rin sa Kuya Wes sina Moi Marcampo, Karen Gaerlan, at Alex Medina.

Sold out na ang tickets para sa Gala night ng Kuya Wes, na mapapanood sa Agosto 4-11 sa CCP at selected Ayala Cinemas, tulad sa Trinoma Cinema 3, Greenbelt 1, UP Town Center Cinema 3, Glorietta 4 Cinema 4, at Ayala Mall Legazpi Cinema 4.

-Reggee Bonoan