POC basketball team, ilalaban sa Asian Games?

MAY kapangyarihan ang Philippine Olympic Committee (POC) na magbuo ng sariling basketball team na isasabak sa Jakarta Asian Games upang makaiwas sa multa at kaparusan mula sa Olympic Council of Asia (OCA).

NAGPAHAYAG ang PBA Board sa isinagawang media conference kamakailan ng kahandaan na suportahan ang pagbuo ng Philippine Team sa Asian Games. (RIO DELUVIO)

NAGPAHAYAG ang PBA Board sa isinagawang media conference kamakailan ng kahandaan na suportahan ang pagbuo ng Philippine Team sa Asian Games. (RIO DELUVIO)

Ayon sa dating POC officials na tumangging pabanggit ang pangalan upang makaiwas sa buwelta ng kasalukuyang pamunuan, nasa kamay ng POC,pinumumunuan ngayon ni Ricky Vargas ng boxing association, ang karapatan na magbuo ng koponan sa gitna ng pag-atras ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na ilahok ang Gilas Pilipinas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Asian Games just like the SEA Games and Olympics is under the control of the International Olympic Committee (IOC), sila ang organizers and as member of the IOC, ang POC ang may kapangyarihan kung sino ang ipadadalang atleta o koponan sa Asian Games. Kung ayaw ng SBP, eh di magbuo tayo ng ibang koponan,ang dami nating players and I believed the PBA Board are willing to form a team,” sambit ng naturang opisyal.

“Playing in the Asian Games is the country’s commitment, as one of the two pioneering country from the defunct Far Eastern Games, hindi katangap-tanggap na hindi tayo sasali lalo na sa basketball na alam naman nating buhay ng Pilipino,” aniya.

Iginiit nang nasabing opisyal na nagawa ito ng POC sa karate matapos suspindihin ng Philippine Sports Commission ang asosasyon bunsod ng korapsyon sa mga opisyal nito.

Kamakailan, ipinahayag ng SBP sa

isang media statement ang pagatras ng Gilas sa Asian Games at ibinigay na dahilan ay ang paghahanda para sa FIBA Asia World Cup qualifying kung saan pasok ang Gilas sa second window.

Ngunit, ilang oras bago ang pahayag, naihayag ni SBP president Al Panlilio ang kagustuhan na baguhin ang line-up ng Asiad Team bunsod nang suspension na ipinataw ng FIBA (International Basketball Federation) sa ilang players na nasa opisyal na line-up na isinumite ng POC sa Jakarta organizers.

Nagkasundo na ipadala ang mga players mula sa Rain or Shine at NLEX at ilang piling players ni coach Yeng Guiao.

Nagulantang maging ang PBA Board sa biglang pagbabago ng posisyon ng SBP at ang tuluyang pagatraw nito.

“Shame on you,” ang katagang nabangit ng dismayadong si dating National cager at isa sa PBA living legend at ngayo’y Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

“It’s our commitment to send a team in the Asian Games, not unless nasuspinde tayo,” ayon kay Fernandez, miyembro ng 1990 RP Team na huling nakapaguwi ng silver medal sa Beijing Asian Games.

Ayon sa POC insider, kahit sinangayunan ni POC president Ricky Vargas ang naging desisyon ng SBP wala pang pormal na komunikasyon para ma-informed ang OCA at Asiad organizers sa pagataras ng Gilas. Ngunit tiyak ang kaparusan ng bansa kung sakali batay sa OCA’s constitution and rules.

“Section 10 of Article 57 states: “The withdrawal of a duly entered delegation, Team or Athletes without the consent of the OCA, shall be the subject of disciplinary action as envisaged by the EB (Executive Board).”

“Financial and other penalties on any NOC (National Olympic Committee) which withdraws its team as in a whole from team competitions after the draw is completed. The penalty will be decided by the EB, on a case by case basis,” ayon sa naturang POC official.

“I don’t think lalabanan ni Mr. Vargas ang desisyon ng SBP,” aniya.

Si Vargas ay malapit na kaalyado ni SBP honorary president Manny Pangilinan.

“Pero kung mananaig ang kapakanan ng bansa bago ang kaibigan, puwedeng-puwede tayong sumali sa basketball event ng Asian Games,” aniya.

Naisumite na ng POC ang entry by names ng delegasyon ng bansa sa Jakarta organizers, ngunit may pagkakataon pa ring baguhin ang line-up bago ang team managers meeting at depende sa sitwasyon ng kaganapan.

Nakatakda ang Asian Games sa Agosto 12 hanggang Setyembre 2.

-Edwin G. Rollon