ANG indie film actress na si Elora Espano ang leading lady ni Christian Bables sa Signal Rock, na entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na mapapanood na sa Agosto 15-21 sa lahat ng sinehan, sa direksiyon ni Chito S. Roño for CSR Film PH Production, at distributed ng Regal Entertainment, Inc.

Elora

Hindi masyadong matunog ang pangalan ni Elora sa commercial films dahil nga pawang indie movies ang nagawa niya.

Ang biggest project ni Elora ay ang pelikulang Bakunawa, na entry sa 2017 Cinemalaya.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“In terms of character or the role, ang pinakamalaki ko pong nagawa ay ‘yung Bakunawa, I played the lead role po. In terms of commercial release, kahit minor lang ‘yung role ko, was Seklusyon (2016) with Direk Erik Matti. I played the role of Mama Mary, the ex-girlfriend of Ronnie Alonte there,” bungad kuwento sa amin ni Elora.

Bakit ba hindi pa siya masyadong kilala, gayung marami na rin naman siyang nagawang pelikula?“Unti-unti po, we’ll get there,” sagot niya.

“Nag-umpisa po talaga ako sa theater, Dulaang UP. Tapos po nag-start ako sa maliliit na production ng mga estudyante lang din, thesis films. At doon ko nakilala ang manager ko which is Ferdie Lapuz. Co-managed po ako with IdeaFirst Company.

“Eventually po paunti-unti naman akong nabibigyan ng projects pero mostly independent films. Pinakamasayang experience ko po was Busan International Film Festival (Korea), kasi kasama po ‘yung Bakunawa which my first lead. Magkakaroon rin yata ng screening sa UP.

“Saka magkakaroon din po ng re-run sa Cinemalaya, parang retrospect din for best film from last year,” kuwento ng aktres.

Nakakaapat na taon na sa showbiz industry si Elora, at hoping na maraming magagandang projects pa ang ialok sa kanya.

Laking pasasalamat nga niya na nakuha siya sa Signal Rock, matapos siyang mag-audition bilang leading lady ni Christian.

“Readings script po. And feeling ko naghanap din talaga si Direk Chito in particular, the look (probinsiyana look) very important sa kanya, para kaunti na lang ‘yung problema niya. I think naman okay ‘yung readings so kinuha na po niya ako eventually.”

Ang taray ni Elora, dahil bukod sa PPP ay may dalawang pelikula siyang kalahok sa 2018 Cinemalaya.

“I have two entries po, meron po akong short film which is You, Me and Mr. Wiggles directed by Jay Velasco. Kasama ko po si Kiko Matos. At sa full length movie naman po ay Mamang, ang lead po si Ms Celeste Legaspi, directed by Denise O’Hara.”

Kasama rin si Elora sa Cinema One Originals at Tofarm Film Festivals ngayong taon.

“Meron pa po akong ginagawa ngayon for Cinema One Film Festival, na Double Twisting Double Jack. Ang lead po namin ay sina Joem Bascon at Tony Labrusca directed by Joseph Abello. In a way po, yes, leading lady ako, nagi-gymnastics po ako.

“Kasama rin po ako sa ToFarm Film Festival. Alimuom. Ang lead actress po si Inah Feleo, directed by Keith Sicat po,” pahayag ng aktres.

Sinabi namin na sana ay makagawa na rin siya ng commercial films para lumaki na ang pangalan niya.

“Darating po tayo d’yan, tiyaga lang talaga,” sabi ni Elora.Marunong ding kumanta si Elora, at nag-audition siya para sa Rak of Aegis bago pa ang grupo nina Aicelle Santos.

“Schedule problem po kasi that time kaya hindi ako tumuloy. Nag-start na rin po kasi akong magpelikula, eh, priority ko po ang movies. Gusto ko nga po mag-theater po ulit, kaso sabi ng manager ko schedule ang problema,” paliwanag ni Elora.

Si Elora ang babae sa nag-viral na episode ng #KwentongJollibee 2018, ang Status.

-REGGEE BONOAN