ILANG taon na rin ang nakalipas nang pumanaw ang ina ni Alden Richards, si Mommy Rio Reyes Faulkerson, pero hindi pa rin nawawala sa isip ni Alden ang ina. Sa katunayan, naaalala niya nga lalo ang ina tuwing may eksena siyang ginagawa between a mother and a son.

Alden copy

Bumabalik sa isip niya na ang ina ang dahilan kaya siya pumasok sa showbiz, dahil gusto nitong maging artista siya. Pero iyon nga, dahil sa sakit nito ay hindi na nakita ng kanyang ina na naging artista si Alden, at grabe na ang kasikatan niya ngayon.

Sa pilot episode ng Victor Magtanggol ngayong Monday, July 30, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7, hindi maaksiyon ang unang eksenang mapapanood sa newest action-drama-fantasy series ni Alden. Ito ay ang muling pagkikita ni Victor at ng kanyang inang si Vivienne (Coney Reyes) na matagal nang nawalay sa kanilang pamilya.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

“Nang malaman ko pong iyon ang kukunan namin sa taping abroad, na-excite po ako. Dahil si Ms. Coney po, nang malaman kong siya ang gaganap na ina ko sa serye, itinuring ko na siyang parang ina ko. Parang nakita ko sa kanya ang Mama ko, dahil ang mga isinusuot niyang damit para nakita ko nang isinuot ng Mama ko,” kuwento ni Alden.

“At nalaman ko rin na ganoon (parang anak) ang turing sa akin ni Ms. Coney. Nag-usap po kami bago ang take, at iyon po ang sinabi ko sa kanya. At siya po ang nag-request sa akin kung puwede raw kaming mag-pray together bago ang take. Kaya feeling ko po blessed ang eksenang iyon at mapapanood ninyo ito ngayong gabi.”

Sa kuwento, isang OFW si Coney na iniwan ang kanyang pamilya at sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay nagkaroon siya ng bagong pamilya. Pero hindi rin naging maganda ang buhay niya.

Matagal nang walang balita si Victor sa kanyang ina, kaya nagpasya siyang sundan ito sa ibang bansa, kaya nag-OFW din siya. Naging kaibigan niya ang curator ng museum na pinagtatrabahuhan niya, si Magni/Magnus, isa sa mga anak ni Thor, at ito ang magbibigay sa kanya ng Mjolnir, ang mahiwagang hammer, dahil siya raw ang karapat-dapat na maging tagapagtanggol.

Nang nalaman ni Victor kung saan matatagpuan si Vivienne ay nagkita sila sa isang park doon, at kitang-kita ang longing nila sa isa’t isa, ng ina sa kanyang anak. Nang bumalik si Victor sa Pilipinas ay kasama na niya si Vivienne.

Pagkatapos, magsisimula na rin si Victor sa kanyang extraordinary mission protecting good people from evil. Sekreto ito at ang nakakaalam lamang ay ang pamangkin niya, si Meloy (Yuan Francisco), anak ng kapatid niyang si Lynette (Chynna Ortaleza), na asawa ni Perci (Dion Ignacio).

Abangan ang bagong tututukan ng Kapuso primetime viewers, ang Victor Magtanggol, simula na ngayong gabi.

-NORA V. CALDERON