Isa ang patay habang 13 katao ang sugatan sa karambola ng siyam na sasakyan sa ibabaw ng Shaw Boulevard flyover sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

YUPING-YUPI Makikita sa larawan ang sirang pampasaherong jeep na isa sa siyam na sasakyan na nagkarambola sa Shaw Boulevard flyover sa Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City, kamakalawa. Isa ang patay habang 13 ang sugatan sa aksidente. (MANNY LLANES)

YUPING-YUPI Makikita sa larawan ang sirang pampasaherong jeep na isa sa siyam na sasakyan na nagkarambola sa Shaw Boulevard flyover sa Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City, kamakalawa. Isa ang patay habang 13 ang sugatan sa aksidente. (MANNY LLANES)

Dead on the spot si Gil Aurio, nasa hustong gulang, ng Block 25 Extension, Apitong Street, Eusebio Avenue, Nagpayong, Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City, matapos na tumilapon mula sa pampasaherong jeep, habang isinugod sa Rizal Medical Center, Mandaluyong City Medical Center at Victor Potenciano Hospital ang mga sugatan.

Samantala, arestado ang suspek na si Otto Remollo, 42, ng Tagumpay, Montalban, Rizal, na sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Injuries and Damaged to Property (Multiple Collision).

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa ulat ng Mandaluyong City Police kay Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba, naganap ang karambola sa paanan ng east bound lane ng Shaw Boulevard Flyover, dakong 7:45 ng gabi.

S a i m b e s t i g a s y o n , magkakasunod bumibiyahe ang naturang mga sasakyan sa naturang flyover nang mawalan umano ng preno ang berdeng garbage truck (UPH-898), na pagma-may-ari ng Landreb Company at minamaneho ni Remollo, kaya tuluy-tuloy itong bumulusok at inararo ang mga sasakyang nasa unahan niya.

Agad inaresto ni Ruel Flores, traffic officer, si Remollo na kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong City Police.

Ayon kay Erwin Sañano ng Mandaluyong rescue, dead on the spot si Aurio habang ang 13 sugatan ay isinugod sa nabanggit na mga ospital.

Kabilang sa mga nasangkot sa karambola ang isa pang pampasaherong jeep, dalawang Asian Utility Vehicle (AUV), isang Sports Utility Vehicle (SUV), isang mixer truck, isang sedan, at isang pick-up.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

-Mary Ann Santiago