DAHIL Superstar ang status ng nag-iisang Nora Aunor sa Philippine Showbiz kaya sa grand prescon ng newest primetime teleserye ng GMA-7 na Onanay ay siya ang huling tinawag upang rumampa sa stage, kasama ang mga kanyang co-stars.

Nora Aunor copy

Ang gumaganap na anak niya bilang si Onay ay ang Kapuso newcomer na si Jo Berry, na siyang iikutan ng istorya as a woman born with Achondroplasia or a bone growth disorder which impeded her growth but chooses to remain positive in life and to always look at the brighter side of things.

At dahil nga tipong kay Jo iikot ang istorya ay natanong ni Yours Truly si Ms Nora kung okay lang sa kanya na maging very special participation lang sa Onanay.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Okay lang ‘yun. Dun sa Little Nanay naman hindi rin naman ako, eh. Kay ano ‘yun, eh… kay... sino nga ‘yung kasama ko dun? Ha, ha, ha,” aniya, tinutukoy si Kris Bernal.

“Hindi rin naman ako ang title role dun, eh. Sa Little Nanay. Saka okay lang sa akin yon kasi, sa ngayon naman wala na tayong dapat patunayan pa.

“Ang importante sa akin ngayon, kailangan makatulong tayo sa ibang mga artista lalo na ‘yung mga nag-uumpisa pa lamang sa kasalukuyan.”

So para sa iyo, age doesn’t matter in showbiz?

“Wow, ha, ha, ha! ‘Yan ang gusto ko sa iyo, eh. Kaya I love you, Ate Mercy! Ha, ha, ha, ha!” ang masayang pagtatapos ni Ate Guy sa maikling one-on-one sa kanya ni Yours Truly.

Sa Agosto na mapapanood ang Onanay, sa direksiyon ni Gina Alajar.

-MERCY LEJARDE