MATAPOS ang matagumpay na kampanya ng Philippine Volcanoes sa katatapos na Asia Rugby Championships, balik sigla ang Rugby sa bansa sa gaganaping Rugby 7s Festival – ang Round 1 ng 2018 Globe Sevens Series ngayong weekend.

BALIK ang aksiyon sa paglarga ng Rugby Festival simula ngayon sa Southern Plains sa Calamba, Laguna.

BALIK ang aksiyon sa paglarga ng Rugby Festival simula ngayon sa Southern Plains sa Calamba, Laguna.

Kabuuang walong koponan ang maglalaban sa hinating dalawang grupo para sa one-round robin format kung saan ang mangunguna ang maglalaban sa finals para sa Roud 1.

Tampok sa torneo ang mga miyembro ng National Developmental Team sa men’s at women’s division.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May anim na rugby festival ang nakatakdang isagawa hanggang Oktubre kung saan ang may pinakamaraming puntos sa kabuuan ng serye ang magiging kampeon.

“For 2018 we are looking to mirror both the Asia Sevens Series & the World Sevens Series, incorporating Festivals rather than League rounds. Through the nature of the game, the PRFU are now able to award winning teams at each of the Festivals, rather than just award one team at the end of the season. This allows the club teams to win a specific tournament leg on the actual day itself,” pahayag ni Jovan Masalunga, Competitions Manager for Philippine Rugby

“Moving the Sevens season to this structure is exciting, we get to witness the traditional Sevens festival atmosphere. By the end of round one, you will see which team was the best on the day; however that may not be the case for the following festival. The National Development Division this weekend will feature local talent like Lito Ramirez, Jonel Madrona, Johnly Baloloy and Ryan Padilla. The up and coming talent will be a highlight for this weekend so I am excited to see the players perform” sambit ni Jake Letts.

Magtutuos sa Southern Plains, Calamba ganap na 9:30 ng umaga ang mga koponang Santos Knight Frank Mavericks, Eagles RFC, Bulacan Bombers, Albay Bulkans, Clark Jets, Makati Chiefs at La Liga Academy.

Gaganapin naman ang Palawan 7s sa August 10-11, ang Kadawayan 7s Festival sa Davao sa August 18, kasunod ang FatBoys 10s sa Clark sa September at Cebu 10s sa November.