HINDI muna namin papangalanan ang mga bida sa blind item naming, dahil gusto pang maayos ng aktor ang relasyon niya sa aktres at magkabalikan sila, dahil ilang taon na rin naman silang magkarelasyon.
Inamin ng aktor na may pinagdadaanan sila ngayon ng aktres, at normal naman daw iyon sa isang relasyon. Hindi naman siya nagbigay ng detalye kung ano ang dahilan ng away nila.
Nabanggit na may komunikasyon sila ngayon ng aktres, pero ang totoo ay wala dahil magkaaway sila. As in galit na galit ang aktor sa rating karelasyon.
Yes, ateng Jet at sa mga mambabasa ng Balita, hiwalay na talaga sina Aktor at Aktres at ayaw lang nila itong aminin pa, dahil sa career at fans nila.
Ang tsika sa amin ng aming reliable source ay may third party sa side ng aktres. Nagulat kami dahil ang expected namin ay ang aktor ang posibleng gumawa ng kababalaghan kasi nga guwapings at maraming nagkakagusto, pero hindi pala dahil one-woman man siya.
As of now ay pinagsabihan sina Aktor at Aktres na walang magsasalita sa media kung ano ang real score nila, dahil may mga project pa sila.
Kaya ang ending namumroblema ang production staff na may hawak ng project ng dalawa dahil baka hindi sila makapag-deliver dahil nga magkagalit.
-Reggee Bonoan