NAISALBA ng University of Perpetual Help System Dalta ang matikas na pakikihamok ng Emilio Aguinaldo, 76-74, kahapon para makopo ang solong ikatlong puwesto sa 94th NCAA senior basketball tournament nitong Huwebes sa EAC Gym sa Manila.
Kumana si Edgar Charcos, rookie transferee mula sa University of the East, sa naiskor na 22 puntos, habang kumubra si Prince Eze ng 15 puntos, 22 rebounds at siyam na blocks para sandigan ang Altas sa ikalawang sunod na panalo at angkinin ang No.3 spot sa likod ng nangungunang Lyceum of the Phl U (4-0) at San Beda (2-0).
Hataw din si Kim Aurin, isa ring transferee mula sa Jose Rizal, sa nakubrang 12 puntos, siyam na rebounds at walong assists.
Ikinatuwa ni Perpetual Help coach Frankie Lim ang impresibong opensa ng Altas, gayundin ang match-up ni Eze laban kay EAC’s Hamadou Laminou ng Cameroon, na nalimitahan sa 12 puntos.
“I told him (Eze) it’s his job to limit Hamadou Laminou and he responded,” sambit ni Lim.
May tyansa ang EAC na maipuwersa ang laro sa overtime ngunit sumablay si Jerome Garcia.
Nakamit ng Generals ang ikatlong sunod na kabiguan.
Iskor:
(jrs)
EAC 83 – Boado 23, Ilustrisimo 14, Lozano 11, Sumagaysay 10, Sanosa 8, Balowa 8, Murillo 4, Pascual 3, Mejia 2, Encila 0, Quebral 0, Calara 0, Rivera 0
Perpetual Help 78 – Gallano 20, Galman 14, Coloma 8, Duka 8, Orgo 6, Galoy 6, Nunez 4, Defante 4, Barcuma 3, Kawamura 3, Romilla 2, Agbayani 0
Quarterscores: 25-17; 41-41; 59-61; 83-78
(srs)
Perpetual Help 76 – Charcos 22, Eze 15, Aurin 12, Peralta 11, Coronel 6, Razon 5, Cuevas 2, Pedrosa 2, Mangalino 1, Tamayo 0
EAC 74 – Cruz 18, Garcia 17, Laminou 12, Natividad 10, Bautista 5, Diego 4, Mendoza 3, Gonzales 2, Robin 2, Tampoc 1, Magullano 0, Neri 0, Bugarin 0, Fuentes 0
Quarterscores: 20-17, 38-34, 56-57, 76-74