Nakiusap kahapon si Pangulong Duterte sa Abu Sayyaf Group (ASG) na itigil na ang mga pagdukot sa mga inosenteng sibilyan, dahil ayaw niyang makipaglaban sa kapwa Pinoy.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan bago magtungo sa Camp Navarro General Hospital sa Bagong Calarian, Zamboanga City upang bisitahin ang limang sundalong nasugatan sa pakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf sa Sulu, kamakailan.

Sa kanyang pahayag nang magtungo sa Barangay Labuan, Zamboanga City, nais niyang wakasan na ng Abu Sayyaf ang ginagawang pagdukot dahil hindi ito sumasalamin sa pagkatao ng mga tulad nating Malay.

“Sana mahinto na. Huwag naman masyadong cruelty kasi hindi tayo ganun. Tayong mga Malay, hindi tayo ganun,” pakiusap ng Punong Ehekutibo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sige na tama na ‘yang ganyan. Oo. Ayaw ko kasing makipag-away ng kapatid ko. Kaya hanggang ngayon hold-hold lang ako.

Madali lang naman na padala ko dito ‘yung jet natin na bago na… Eh di pabombahan ko na lang ‘yang buong… Pero you know if you declare war, pati ‘yung mga kap—ang kawawa ‘yung inosente,” aniya.

“My message to the Abu Sayyaf is: I come in peace. Balita ko galit sila sa akin. Eh bakit kayo magalit sa akin? Ano bang ginawa ko sa Moro para magalit kayo,” dagdag pa ng Pangulo.

-Argyll Cyrus B. Geducos