Tinipon ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang mga opisyal mula sa 22 barangay sa lungsod para sa dalawang araw na seminar, upang magtulung-tulong laban sa ilegal na droga.

Hinikayat ni Aguilar ang mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na gawin ang kanilang responsibilidad na malinis ang kani-kanilang komunidad sa ilegal na droga.

Ipinagdiinan ni Aguilar na sa pagkilos ng BADAC ay makatitiyak na magkakaroon ng pagtutulungan sa hanay ng mga leader ng barangay sa pamamagitan ng anti-illegal drugs campaign, sinabing ang mga kapitan ng barangay ang dapat mamuno sa pagpuksa sa ilegal na droga.

Bukod sa pangkaraniwang aktibidad gaya ng palaro at seminars para sa pagpapagaling sa mga nalulong sa droga at livelihood trainings, magiging bukas ang lahat ng barangay health centers para sa counselling o rehabilitation, sabi ni Aguilar.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa medical and psychological intervention, sinabi ni Aguilar na ang BADAC ay may lingguhang rehabilitation/prevention program.