NASA 195,107 indigent senior citizen sa Bicol ang nabiyayaan ng P2,400 tulong, sa ilalim ng Unconditional Cash Transfer (UCT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagsimula ang pamamahagi nitong Linggo at nagpapatuloy sa mga bayan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, at Camarines Sur.
“The UCT is a cash subsidy provided under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law to lessen the adverse economic effects brought by the said law to poor Filipinos. This will be implemented for three years (2018-2020),” pahayag ni Arnel Garcia, director ng DSWD 5 (Bicol) sa isang panayam.
“The UCT cash grant cannot cover all the household expenses. This is only an augmentation to the poor affected by the inflation,” dagdag niya.
Para sa taong ito, bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng P2,400, na katumbas ng P200 kada buwan. Sa mga susunod na taon, magiging P300 kada buwan ang matatanggap o nasa P3,600 kada taon.
Ang UCT ay ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Social Pension, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Listahanan ng DSWD.
Natapos na ng DSWD 5 ang balidasyon ng nasa 147,486 listahan o pamilyang tinukoy na kabilang sa mahihirap na pamilya para sa potensiyal na pagsama sa mga ito sa UCT program, diin ni Garcia.
Target ng ahensiya na makumpleto ang pamamahagi ng tulong-pinasiyal hanggang Setyembre, katuwang ang Landbank of the Philippines sa paghahawak at pagbabantay ng pamamahagi ng tulong.
PNA